Published Date: Sep 10, 2026 Updated Date: Sep 10, 2026
Baha cover
English

Baha Lyrics

KASSA
Lyrics to BAHA by KASSA featuring Poison 13 and Onad is a hip-hop song from the Philippines that makes use of flood as an extremely symbolic image to reflect on issues such as corruption and poverty, the problems of government negligence and inequality within the country. The lyrics speak of the struggles of common folk trying to handle floods, problems, and lack of aid and raise the question of what is really being done with the money that the government promises. The main idea of BAHA is conveyed through the hook "Ayan na ang ulan" and the aggressive verses are full of criticism towards the ones who are responsible for all these problems but seem to enjoy their comfort regardless of other people’s hardships.

Baha Song Lyrics

Ayan na, ayan na ang ulan
Tumakbo na sa kawalan
Lumangoy sa kasakiman
Lubog sa kapabayaan
Ayan na ang ulan

Sa munti mong barong-barong
Ingatan ang lahat maging supling mong kalong-kalong
Halo-halong kalungkutan at problemang patong-patong
Sa ulang 'di ka masasalba ng kahit anong payong
Ito ang bunga ng kasakimang pinipitas
Kung nandito 'yung baha, ba't pondo 'yung nililimas?
Magagarang kasuotang may bahong umaamoy
Dapat silang mga buwaya dito ang lumalangoy
Hanggang dibdib lang ng pato, wala pang kalahati
Pagtapos ng ulan may kasunod pang bahaghari
Hindi, walang gano'n, mukhang hindi 'yun maaari
Dahil dito sa 'Pinas, ang kasunod no'n dalamhati
Minsang umulan, minsang bumaha
Minsan merong tulong pero madalas wala
May minsang nakaligtas at may minsang nakahandusay
Ga'no kadalas ang minsan kung minsan ka lang mabuhay
Sila lang ang ligtas at mapayapa sapagkat
Ang pagsalba ay pagsalbahe pala sa ating lahat

Ayan na, ayan na ang ulan
(Ayan na ang ulan)
Tumakbo na sa kawalan
Lumangoy sa kasakiman
Lubog sa kapabayaan
Ayan na ang ulan
Ayan na ang ulan
Ayan na ang ulan
Oh, ooh

Inuulan ng kamalasan ang 'Pinas, mawalang galang po
Ang sarap po yata d'yan ng inyong pagkakaupo
Habang 'yung iba naglilimas ng tubig sa mga tahanan
Kayo naman nilimas niyo ang kaban ng bayan
Lubog na ang 'Pinas, mawalang galang po
Ang sarap siguro d'yan kaya hindi makatayo
Komportable kalagayan at mga higaan niyo
Ah, kaya ba 'yung nasa laylayan hinayaan niyo
Mga ayudang pamigay na pampalubag ng loob
Sa harap ng media syempre para daw mapanood

Ayan na, ayan na ang ulan
(Kasalanan daw ng tao 'yan, lubog na ang pamayanan)
Tumakbo na sa kawalan
(Wala silang paki maski ikaw pa ay mamatayan)
Lumangoy sa kasakiman
(Gusto nilang masanay kang lumusong sa baha at ang)
Lubog sa kapabayaan
(Nakaupo'y bulsa ang mas kapakanan)
Ayan na ang ulan
(Grabe nang gobyerno 'yan)
Ayan na ang ulan
(Ang hirap lumangoy at sumabay na lang sa agos)
Ayan na ang ulan
(Kung harap-harapan ang karapatan ay nakagapos)
Oh, ooh
(Sira na ang Pinas habang sila napakaayos, wala man lang proyektong natatapos, aba ayos)

Sabay-sabay tayong lulubog
Sabay-sabay tayong lulubog
Sabay-sabay tayong lulubog
Sabay-sabay tayong lulubog
Sabay-sabay tayong lulubog
Sabay-sabay tayong lulubog

Credits

Singer(s) KASSA , Poison 13 , Onad
Composer(s) KASSA , Poison 13 , Onad
Lyricist(s) KASSA , Poison 13 , Onad
Release Aug 28, 2026
Language English

Rate "Baha"

0 out of 5 Β· 0 ratings

How Does This Song Make You Feel?

Community Thoughts .

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

No comments yet

Be the first to share your thoughts about these lyrics!