Bampira Lyrics
Bampira Song Lyrics
Ang saya kung bampira lang tayo
Nang habambuhay, ika'y kasama ko
Tulad ng pag-ibig ko sa'yo
Walang kamatayan kung ihahatid sa'yo
Lalakbayin natin ang mundo
Pati ibang planeta kung mabitin man tayo
Papaslangin ang mga kaaway mo
Sa tuwing mangailangan ka
Ng kakainin mong dugo
'Di man kayanin ang araw
Ikaw naman liwanag ko
Kung kalabanin ng mundo
Ako naman kasama mo
Ako'y susulat tungkol sa'yo
Mula sa paghinga
Hanggang sa pagtulog mo
Ang saya sana kung bampira lang tayo
Magsawa man sa itsura ko
Huwag naman sana, ito lang ang kaya ko
Biro lang, alam mo naman ako
Minsan maingay lang talaga ang isip ko
Woh, oh oh
Woh, oh oh, oh, oh
'Di man kayanin ang araw
Ikaw naman liwanag ko
Kung kalabanin ng mundo
Ako naman kasama mo
Ako'y susulat tungkol sa'yo
Mula sa paghinga
Hanggang sa pagtulog mo
Ang saya sana
Kung wala nang dulong matatanaw
Kahit saβn man magtungo
Lalayasan ang mundo
Kung isahan nila tayo
Ikaw lang aawitan ko
Kahit pa tumanda't
Mawala na ang boses ko
Ang saya sana kung bampira lang tayo
Kung bampira lang tayo
Kung bampira lang tayo, woh oh oh, oh
Ang dami pang gustong sabihin sa'yo
'Di lang sapat ang buhay kong ito
Kaya ang saya kung bampira lang tayo
Nang 'di matapos ang kwento nating 'to
Community Thoughts .
0 CommentsLeave a Reply
Your email address will not be published. Required fields are marked *
No comments yet
Be the first to share your thoughts about these lyrics!