KLBW Lyrics
KLBW Song Lyrics
Parehas sipag at edad, lalo pang dumadagdag
Dumidistansya ng ilang dipa kapag kumakaldag
Pinapaos, pero kahit kailan di kinakapos
Sa kahit na ano pa mang era ay laging tumatagos
Kapasidad, akala mo bata, hindi hinahapo
Paano mo pa mapapasuko kung kabisado ang laro
At di nagsasayang ng oras, ayaw mabalagong
Walang respetong natanggap kung tumandang paurong
Mga tumandang umaasa, pag si Batman ang bahala
Sila ’tong nakakaawa na palaging talunan
Pag sagad ka na sa gulang, di magawang buyuan
Kung wala kang pakinabang ay dapat kang layuan
Napakaraming mga kwento, sarap naibahagi
Ipakalat sa pasilyo at palibot ng gusali
At umeedad na di nakukupasan ng galing
Habang sila’y lumalangoy kasama ng mga pating
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat
Kahit malayo na pero malayo pa
Ramdam ko minsan, may oras na napapagod na
Pero ’di dahilan ang edad para tumamlay
Dahil habang tumatagal ay mas marami ang nagaantay
Mga tengang nakabantay sa bawat ilalabas
Mga palakpakan na mas lalo pang lumalakas
Kahit masikip na ang landas papunta sa taas
Lakad pa rin ay pasugod at ’di pwedeng umatras
’Di ko hinangad muling sumabog at bumenta
Humabol sa mga bago sa tunog ng kanilang meta
Ang tunay na pagkatao ko’y tumatak na sa mga tenga
Pag Roberto ang umareglo, ang mensahe ay direkta
Kahit pugad ng kalaban, sinubukan kong dumapo
Mga sugat ang sukatan sa tinakbo ko na malayo
Magpahinga ay posible pero huminto, malabo
Edad lang ang dumagdag pero skills ay ’di na maglalaho
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat
Community Thoughts .
0 CommentsLeave a Reply
Your email address will not be published. Required fields are marked *
No comments yet
Be the first to share your thoughts about these lyrics!