PABAYA Lyrics
PABAYA Song Lyrics
Minsan, wala kang kailangang gawin upang may mawala
Minsan, kailangan mo lang maging pabaya
Hindi alam na dito tayo dadalhin
Nang dahil sa'kin at sa gusto kong gawin
Sa mga plano ko naman nandoon ka rin
Pero ako'y pabaya at 'di ko napansin
Na dahan-dahan kang nawawala
Napagtanto ko rin kung gaano ka kahalaga
Kaso pa'no sa'yo sasabihin ang nadarama?
(Paano sasabihin) Kung wala ka na?
Pa'no aaminin kung sawa ka na?
Ang hirap pa ring tanggapin
Palaging napapaisip ng mga malalim na salamisim
Mas nanaising sa panaginip ka makapiling
Kasi wala ka naman pagkagising
Mga tripping 'di ma-eksplika
At least 'di ba miss na miss kita?
Tinitiis kita mula nang tayo ay mag-split
Mala-mystica, ngayon na lang talaga kita na-aprisita
'Di ko pa rin matanggap ang lahat ng pangyayari
Ngunit kailangang harapin ang hagupit
Panginoon na lang ang makakapagsabi
Kung ako ay tatanggapin mo pa ba ulit
'Di na kaya ang lamig, tagos na sa buto ko
Diyos ko po, nais ko malaman ano ba ang totoo
Pinangako ko sa'yo ang mundo
Ngunit 'di ko tinanong kung ako lang ba gusto mo
Magaling sa simula ngunit wala natupad
Kaya nagsawa ka sa mga pangakong huwad
Aminadong pabaya, masahol pa sa duwag
'Di ka bigla nawala, matagal na akong bulag
Kasi kampante akong ika'y babalik
Kaya parang asong tapat ako'y nag-abang
Ngunit 'di pala sapat na mahal mo lang
Kung hindi mo naman pala kayang maiparamdam
Hindi alam na dito tayo dadalhin
Nang dahil sa'kin at sa gusto kong gawin
Sa mga plano ko naman nandoon ka rin
Pero ako'y pabaya at 'di ko napansin
Na dahan-dahan kang nawawala
Napagtanto ko rin kung gaano ka kahalaga
Kaso pa'no sa'yo sasabihin ang nadarama?
(Paano sasabihin) Kung wala ka na?
Pa'no aaminin kung sawa ka na?
Ang hirap pa ring tanggapin
Kung mababalik ko lamang ang nakaraan
'Di na ba ako dapat pang mag-alangan?
Para ayusin bago pa ako mawalan
Ng oras na dapat sa'yo nakalaan
Hindi alam at 'di handa na dito tayo dadalhing dalawa
Akala ko lahat ng 'to ay madali
Kaya aking inaaming malamig mga gabi na wala ka
At ang dapat na gawin ay tanggapin ko na lamang
Nakaka-miss 'yung mga galit mong kunwari lang pala
Mga simple mong mensahe ng "Kumain ka na ba?"
Subalit napakatanga ko talaga
Lalong-lalo na pagdating sa pagpapahalaga
Sana pala dati pa lamang ay alam ko na
Na kahit anong gawin ko'y walang makabura
Sa mga alaala natin at napatunayan ko 'yan
Kahit saang lugar ako makapunta
Mga text mo dating binabasa ko lang basta
Paghihintay mo sa'kin kahit naantok ka na
Sabay tayong kumain, magkatabi sa sofa
Mga swabe mong masahe sa'kin kahit pagod ka
'Di ko akalain na magiging ganto
Pakiramdam ay parang naghihingalo
Sa wakas alam ko na ang sasabihin sa'yo
Kaso wala na 'kong karapatan sabihin ito
Hinayaang lumisan kahit hindi kayang iwanan
Sanay akong nandiyan kaya 'di naingatan
Puno aking mga kamay magkabilaan
Sa dami ng aking dala, ikaw ang nabitawan
Ginagawa ko naman lahat
Ngunit alam mo ba kung ano pinakamasakit?
Kung para talaga sa'tin ang aking ginagawa
Bakit parang tayo rin ang kapalit?
Hindi alam na dito tayo dadalhin
Nang dahil sa'kin at sa gusto kong gawin
Sa mga plano ko naman nandoon ka rin
Pero ako'y pabaya at 'di ko napansin
Na dahan-dahan kang nawawala
Napagtanto ko rin kung gaano ka kahalaga
Kaso pa'no sa'yo sasabihin ang nadarama?
(Paano sasabihin) Kung wala ka na?
Pa'no aaminin kung sawa ka na?
Ang hirap pa ring tanggapin.
Credits
More from Loonie
Explore popular lyrics from this artist
Community Thoughts .
0 CommentsLeave a Reply
Your email address will not be published. Required fields are marked *
No comments yet
Be the first to share your thoughts about these lyrics!